3 paraan sa COVID-19 jab registration sa Las Piñas, alamin!

3 paraan sa COVID-19 jab registration sa Las Piñas, alamin!

June 4, 2021 @ 11:11 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mayroong tatlong pamamaraan ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa pagpaparehistro bago maturukan ng bakuna kontra coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang napag-alaman kay Las Piñas Vice-Mayor April Aguilar na nagsabing bukod sa manwal at pagpaparehistro sa online ay iniaalok din ng lokal na pamahalaan ang on-site registration o ang tinatawag na ‘walk-in’ sa mga vaccination sites sa lungsod.

Sinabi ni Aguilar na ang mga tauhan na magrerehistro ay itatalaga sa mga vaccination sites upang maasistehan ang mga hindi nakalista o naka-iskedyul sa mga vaccination centers ngunit nais na rin nilang magpalista para sila mabakunahan.

Dagdag pa ni Aguilar na sa pagbubukas ng pinakamalaking vaccination site kamakalawa (Hunyo 2) sa The Tent, Vista Global South na matatagpuan sa C-5 Extension ay mayroon nang kabuuang 15 vaccination venues sa lungsod.

Napag-alaman din kay Aguilar na plano rin ng lokal na pamahalaan na magdagdag ng lima pang vaccination sites upang mapabilis ang serbisyo sa pagbibigay ng bakuna sa mga residente ng lungsod. James I. Catapusan