3 paslit, natusta sa sunog sa Cabanatuan

3 paslit, natusta sa sunog sa Cabanatuan

April 19, 2022 @ 5:35 PM 2 months ago


CABANATUAN CITY – Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong bata matapos na matusta sa nasusunog nilang bahay, sa Alitaptap St., Purok 1, Brgy. DS Garcia nitong Linggo.

Sa ulat, ganap na 8:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection na may nagaganap na sunog sa nasabing barangay.

Sa inisyal na report, ganap na 8:20 ng umaga ng mag-umpisa ang nasabing sunog sa bahay na pag-aari ni August Caezar Gonzales y Ocampo,   41, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Dahil gawa umano sa mga light materials ang nasabing bahay ay mabilis na kumalat ang sunog at tatlong kabahayan pa ang umanoy nadamay na pag-aari naman nina Benedicta Mejia y Gonzales; Alex Galvez y Palaña at Junnathan Gonzales y Gadia.

Napag-alaman na bago mangyari ang sunog ay naglulutong pagkain si aling Carolina (asawa ni August Caezar Gonzales) at napag-alaman na naiwan nito ang niluluto sa kanilang kusina sa loob ng bahay na siyang pinagmulan ng sunog.

Tatlong anak naman nila ang kaawa-awang natupok sa apoy habang natutulog.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Julius Cesar Gonzales y Badajos, 12; Christine Joy GONZALES y Badajos, 11 ; at Celina Gonzalez y Badajos, 3-anyos.

Kaagad na rumesponde ang mga personnel ng Cabanatuan City   Fire Station at dakong 8:55 ng umaga ng maapula ang nabatid na sunog. Elsa Navallo