3 paslit tusta sa sunog sa QC

3 paslit tusta sa sunog sa QC

September 8, 2022 @ 8:19 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang tatlong bata na na-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Barangay Obrero sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Base sa Bureau of Fire Protection (BFP) na natagpuan nila ang labi ng tatlong mga bata ilang minuto makalipas ang alas-5 ng umaga.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, ang tatlong bata ay magpipinsan.

Nanawagan naman ang Sacred Heart Parish Shrine ng donasyon para sa pamilya ng tatlong batang nasawi.

Ang isa rito ay anak umano ng kanilang sakristan.

Para sa mga nais magbigay donasyon maaaring makipag-ugnayan sa numero ng parokya: 09062712197. RNT