3 patay, 3 sugatan sa Antipolo ambush

3 patay, 3 sugatan sa Antipolo ambush

October 10, 2022 @ 2:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang tatlo katao samantala tatlo rin ang sugatan sa nangyaring pananambang sa Antipolo City, Rizal Linggo ng gabi, Oktubre 9.

Ayon sa Rizal police, nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek at napatay ang mga biktimang kinilala sa pangalan na Dennis Payla, Rodolfo dela Rosa at isang alyas Andrei Mosquete.

Nasugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Eduardo Dumangas, Avelina Dumangas, at isang alias Gemima Amores na agad dinala sa ospital.

Sa imbestigasyon, bumibyahe ang mga biktima sakay ng tatlong motorsiklo at isang sedan sa Marcos Highway pasado alas-9 ng gabi nang bigla na lamang hinarangan ng mga gunmen sakay ng mga motorsiklo ang convoy ng mga ito sa Barangay Inarawan sabay paputok sa mga biktima.

Matapos naman ang pamamaril ay sumibat ang mga suspek patungo sa bayan ng Batas.

Hinihinalang usapin sa lupa ang motibo sa pamamaril batay sa pamilya ng mga biktima.

Ipinag-utos na ang malalimang imbestigasyon ukol sa insidente at matukoy na ang nasa likod ng pananambang. RNT/JGC