3 patay, 5 sugatan sa Masbate shooting spree

3 patay, 5 sugatan sa Masbate shooting spree

January 24, 2022 @ 7:33 AM 8 months ago


CAMP OLA, Albay – Patay ang tatlong indibdiwal habang sugatan ang limang iba pa sa walang habas na pamamaril ng hindi pa nakikilalang gunmen sa isang bahay sa Brgy. Capaculan, bayan ng Milagros sa Masbate.

Kinilala ni Police Major Malu Calubaquib, Police Regional Office 5 (PRO-5) ang mga nasawi na sina Bengie Cataga, Jonel Verona at Jeddah Raven Dizon. Habang ang mga sugatan ay sina s Juanito Cataga, Artemio Cataga, Michille Cataga, Nino Rosero at Felomina Dizon.

Base sa paunang imbestigasyon, .9mm, caliber, .45 pistol at caliber 5.56 rifle ang ginamit ng suspek sa pagbaril sa mga biktima sa kanilang bahay bandang 9:20 p.m. ng gabi noong Sabado.

Hindi pa matukoy ang motibo sa likod ng krimen habang patuloy na tinutugis ang suspek. RNT