3 patay, 6 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Camarines Norte

3 patay, 6 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Camarines Norte

January 29, 2023 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang tatlo katao habang anim ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Camarines Norte nitong Biyernes at Sabado, Enero 27 at 28.

Una rito, nabangga ng motorsiklo na minamaneho ng isang rider na nagngangalang “RJ”, 22-anyos at back rider na si Rhea Napol, ang isang tricycle na minamaneho ni “Mak”, 33-anyos sa Barangay Gahonon, madaling araw ng Sabado, ayon kay Lt. Col. Arnel De Jesus, hepe ng Daet police.

Nasaktan ang dalawang driver at tatlong pasahero ng tricycle subalit namatay ang back rider na si Napol habang dinadala sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpositibo sa alak sa pamamagitan ng breath test ang driver ng motorsiklo.

Samantala, sa bayan ng Santa Elena, dalawang menor de edad naman ang namatay matapos na bumunggo ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang truck sa bahagi ng Barangay Poblacion gabi ng Biyernes.

Sugatan naman ang 18-anyos na back rider sa insidente. RNT/JGC