3 patay, 8.5K pamilya inilikas sa baha

3 patay, 8.5K pamilya inilikas sa baha

December 28, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY- Tatlong indibidwal ang nasawi habang 8,526 pamilya ang inilikas dahil sa pagbaha na nagresulta mula sa malakas na pag-ulang dulot ng shear line sa Region 9 o sa Zamboanga Peninsula.

Sinabi ni Ivan Eric Salvador, Department of Social Welfare and Development-Region 9 information officer nitong Miyerkules na hindi bababa sa 66 barangay ang binaha sa Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay,

Ayon pa kay Salvador, sa 8,526 kabuuang  displaced families, 64 ang nananatili sa evacuation centers.

“Most of the displaced families are staying with their relatives,” Sani alvador said, at idinagdag na sa kasalukuyan ay mayroong 11 evacuation centers sa rehiyon.

May kabuuang 671 tahanan ang nawasak, aniya, habang 259 ang bahagyang napinsala sa buong rehiyon.

Sa kasalukuyan ay nakapagbigay na ang DSWD-9 ng burial assistance sa mga pamilya ng tatlong biktima na namatay at namahagi rin ang ahensya ng halos P841,595 halaga ng relief goods sa 1,540 apektadong pamilya, base kay Salvador.

Bukod dito, inihanda na rin ng DSWD-9 ang halos 12,146 family food packs, 1,900 sleeping kits at 1,000 kitchen utensils para ipamahagi sa pangangailangan sa mas maraming tulong.

Ayon pa kay Salvador, nagpadala na rin ng quick response teams para sa relief distribution at nakapagbigay na ng psychosocial support services sa mga apektadong pamilya sa evacuation centers. RNT/SA