3 patay, 98 naospital sa tipus sa Cebu; DOH naalarma

3 patay, 98 naospital sa tipus sa Cebu; DOH naalarma

June 29, 2022 @ 9:43 AM 1 month ago


BARILI, Cebu- Tatlong indibidwal ang nasawi sa sakit na tipus o typhoid fever sa kumalat sa ilang barangay sa bayang ito.

Base sa talaan ng Barili District Hospital umabot na sa 98 katao ang naka-confine sa nasabing sakit habang tatlo naman ang binawian ng buhay.

Sa 42 barangay sa naturang bayan 24 na rito ang apektado ng sakit na typhoid na kung saan nagsasagawa na rin ng pagsisiyasat ang Department of Health-Central Visayas ang pinagmulan ng pagkalat ng nabanggit na sakit.

Kaugnay nito, namahagi na rin Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance sa mga apektadong residente ganun na rin ang pamimigay ng mga antibiotics test kits at chlorine granules para sa iinumin na tubig.

Nagpaalala naman sa publiko ang City Health Office na panatilihin malinis ang kanilang kinakain at iniinom na tubig dahil nagmumula ang sakit sa kontaminadong pagkain at tubig.

At kapag nakaranas naman ng pag-ubo at lagnat ay huwag itong pabayaan at agad na magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot at iwasan ang kadalasan sa karamihan ay nagse-self medication na nagiging sanhi ng paglala ng sakit.

Naalarma naman ang Department of Health sa nasabing mga kaso at sinabing iimbestigahan ang insidente./Mary Anne Sapico