3 patay sa COVID sa Malabon

3 patay sa COVID sa Malabon

February 11, 2022 @ 9:27 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tatlong  COVID-19 patients ang namatay sa Malabon City nitong Pebrero 10, isa sa Barangay Longos at dalawa naman sa Panghulo.

Dagdag  pa ng City Health Department, 26 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa BarangayBaritan (1), Ibaba (1), Panghulo (20), Tinajeros (1), Tonsuya (2), at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 25,243 ang positive cases sa lungsod, 72 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 21 ang gumaling mula sa Barangay Baritan (2), Catmon (1), Concepcion (2), Longos (5), Panghulo (4), Tinajeros (4), at Tonsuya (3). Sa kabuuan ay 24,459 ang recovered patients ng siyudad.

Dalawa naman ang naitalang reinfection o muling nagpositibo sa COVID-19, tig-isa mula sa Barangays Dampalit at Tugatog.

Bumaba naman sa 125 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela nito ring Pebrero 10 matapos na 30 ang gumaling at at apat naman ang mahawa.

Pumalo na sa 43,537 ang confirmed cases sa siyudad, kung saan 42,501 na ang gumaling at 911 na ang namatay.

Wala namanag naiulat na natodas dahil sa COVID sa Navotas nitong Pebrero 9 at hanggang tanghali ng nasabing araw ay 61 ang active cases makaraang 22 ang mahawa at 12 lamang ang gumaling.

Sumampa na sa 21,018 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 20,324 na ang gumaling at 633 na ang namamatay.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 case update ang Caloocan City habang isinusulat ito. Merly Iral