3 patay sa COVID sa Malabon

3 patay sa COVID sa Malabon

July 7, 2021 @ 10:07 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tatlo ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 nitong Hulyo 6.

Ayon sa City Health Department, 21 naman ang nadagdag na confirmed case at sa kabuuan ay 13,567 na ang positive cases sa Malabon, 112 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Bayan-bayanan (1), Catmon (1), Dampalit (1), Potrero (1), Santulan (10), Tonsuya (4), at Tugatog (2).

Sa kabilang banda, 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (2), Dampalit (3), Niugan (1), Potrero (1), Santulan (2), at Tinajeros (2). Sa kabuuan ay 13,004 ang recovered patients ng Malabon habang 451 naman ang COVID death toll.

Wala ring naiulat na namatay dahil sa COVID sa Valenzuela kaya’t hindi nadagdagan ang 540 COVID casualties ng lungsod.  Huli  namang naitala na 127 ang active cases sa lungsod 8 pm ng Hulyo 6 makaraang 22 ang gumaling at 17 naman ang mahawaan.

Pumalo na sa 20,792 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,125 na ang nakarekober.

Habang isinusulat ito ay hindi pa naglalabas ng COVID-19 case update ang Caloocan City. Meryl Iral