3 patay sa diarrhea sa bayan sa Davao City

3 patay sa diarrhea sa bayan sa Davao City

July 23, 2022 @ 1:15 PM 3 weeks ago


DAVAO CITY- Tatlong indibidwal na ang pumanaw dahil sa diarrhea outbreak sa Toril district sa lungsod, ayon sa City Health Office (CHO) nitong Biyernes.

Sinabi ni CHO head Dr. Ashley Lopez, na namatay ang isang 32-anyos na lalaking guro at 67-anyos na babae mula sa sakit kasunod ng pagpanaw ng 10-taong lalaki nitong Hulyo 19.

Ang guro ay residente ng Lingig, Surigao del Sur, na namatay nitong Huwebes dahil sa severe dehydration.

Sinabi ni Lopez na nangungupahan ang biktima sa Barangay Lubogan, Toril, kung saan siya nagtuturo.

Aniya, pumalo na sa 233 ang kabuuang bilang ng mga natatamaan ng sakit mula Hulyo 15, kung saan 21 barangay ang infected – 18 sa Toril district at tatlo sa labas ng lugar.

“We cannot yet determine what exactly caused the outbreak,” sabi ni Toril at sinabing iniimbestigahan na ito ng lokal na health office. RNT/SA