3 patay sa sunog sa Bohol

3 patay sa sunog sa Bohol

December 23, 2022 @ 2:09 PM 1 month ago


BOHOL – Patay ang tatlong indibidwal sa nangyaring sunog sa Barangay Poblacion 2, Tagbilaran City madaling-araw ng Biyernes, Disyembre 23.

Ayon kay Tagbilaran City Mayor Jane Yap, nadiskubre ang magkakayakap na sunog na bangkay ng isang lalaki, isang babae at isang bata sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ani Yap, isang miyembro ng pamilya na sakristan ang nakaligtas sa sunog dahil natulog ito sa simbahan.

Hindi pa inilalabas sa publiko ang pangalan ng mga nasawi sa nangyaring sunog.

Samantala, nasa 88 pamilya mula sa mahigit 50 tirahan na nakatayo malapit sa dagat, ang nadamay sa sunog.

Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga biktima ng sunog kabilang na ang pamamahagi ng disaster packs, hygiene kits, tubig, pagkain, damit at tsinelas.

“The entire force of the city government of Tagbilaran are here on the ground to help the people,” sinabi ni Yap.

Nagtayo na rin ng tent na pansamantalang tutuluyan ng mga apektadong residente sa loob ng gym.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog at ang kabuuang pinsala dahil dito. RNT/JGC