3 PH establishments, pasok sa 2022 Asia’s 100 best restaurants!

3 PH establishments, pasok sa 2022 Asia’s 100 best restaurants!

March 23, 2022 @ 3:56 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pasok sa Asia’s 100 Best Restaurants list ang tatlong establisyimento sa Pilipinas.

Kabilang rito ang Gallery by Chele, 69th place, na pagmamay-ari nina chefs Chele Gonzales at Carlos Villaflor sa Bonifacio Global City, Taguig.

Specialty nito ang modern cuisine na may Spanish European at Southeast Asian influences.

Nasa ika-74 na puwesto naman ang Antonio’s, isang fine dining restaurant sa Tagaytay City ni chef Tonyboy Escalante.

Habang nasa 94th place ang Toyo Eatery ni chef Jordy Navarro.

Kilala ang nasabing restaurant sa masasarap nitong menus ng modern Filipino fare.

Samantala, ang top 51-100 pa lamang ang inilalabas habang ang Top 1-50 ay iaanunsyo sa isang virtual event sa Marso 29. RNT/ JCM