3 phreatomagmatic bursts, 13 volcanic earthquakes naitala sa Taal

3 phreatomagmatic bursts, 13 volcanic earthquakes naitala sa Taal

April 1, 2022 @ 12:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng tatlo pang phreatomagmatic bursts sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang phreatomagmatic bursts bandang alas-10:39, 10:47, at 10:55 ng umaga.

Samantala, nasa 13 volcanic earthquakes naman kabilang ang tatlong volcanic tremors na tumagal nang dalawa hanggang tatlong minuto ang naiulat.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa ilalim ng Alert Level 3 ang Taal. RNT/SA