3 phreatomagmatic bursts muling naitala sa Taal – PHIVOLCS

3 phreatomagmatic bursts muling naitala sa Taal – PHIVOLCS

March 29, 2022 @ 11:36 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng tatlo pang phreatomagmatic bursts sa Taal Volcano nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Martes.

Base sa PHIVOLCS, naitala ang mga ito bandang alas-9:30, alas-9:33, at alas-9:46 ng umaga nitong Lunes.

Naitala rin ang walongvolcanic earthquake sa Taal na tumagal ng halos 5 minuto, ayon sa PHIVOLCS.

Nagbabala naman ang ahensya sa mga panganib dahil kasalukuyang nasa Alert Level 3 pa rin ang Taal Volcano.

Iniulat naman ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Martes na sa kabuuan ay 1,632 pamilya o 5,878 indibidwal ang mga lumikas sa pag-alburoto ng bulkan. RNT/SA