3 Pinoy factory worker sa Taiwan positibo sa COVID – MECO

3 Pinoy factory worker sa Taiwan positibo sa COVID – MECO

June 4, 2021 @ 7:46 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Iniulat na tatlong manggagawang Filipino sa factory sa Miaoli, Taiwan ang nagpositibo sa COVID-19.

“Tatlo nahawa kasi may community transmission dito. Immediately, as of yesterday 34 na nakasalamuha nila in the past several days ang in-isolate din habang hiinihintay kung merong sintomas ang mga ito,” lahad ni Angelito Banayo, chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
“Hindi naman ibinibigay sa amin ang pangalan because this is treated confidentially by the Ministry of Health,” lahad ni Banayo.

Kasalukuyan aniyang ginagawa ang pagsusuri sa lahat ng 7,000 empleyado sa naturang factory.

“So far sila ay nasa ospital pero mukhang mild cases. ‘Yung isa nanggaling dito sa atin nung bandang Mayo, lumipad dito sa Taiwan at mukhang hindi na-detect earlier pero later nagkaroon ng sintomas kaya na-isolate kaagad.” RNT/FGDC