3 probinsya sapul ng red tide

3 probinsya sapul ng red tide

March 18, 2023 @ 12:12 PM 3 days ago


BOHOL- Mahigpit na nagpaalala ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang baybayin na sakop sa mga probinsya ng Bohol, Zamboanga del Sur at Surigao del Sur na ipinagbabawal ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang matapos magpositibo sa red tide.

Sa ipinalabas na paalala ng BFAR nitong Biyernes, na nilagdaan ni BFAR Director Atty. Demosthenes Escoto na ang mga apektadong lugar sa Bohol ay ang Dauis at Tagbilaran City; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay naman saSurigao del Sur.

“Still positive for Paralytic Shellfish Poison (PSP) or toxic red tide that is beyond the regulatory limi,” ani Escoto.

Aniya, hindi ligtas kainin ang alamang at ibang uri ng shellfish maliban sa isda, pusit, hipon, at alimango na kailangan ay sariwa ito at kailangan linisin ng mabuti, tanggalin ang bituka saka lutuin ng maayos.

Samantala, idineklara naman ng BFAR na ligtas na sa red tide ang baybayin dagat sa Milagros, Masbate. Mary Anne Sapico