3 puganteng Chinese national, naaresto ng BI

3 puganteng Chinese national, naaresto ng BI

January 20, 2023 @ 5:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit ang tatlong Chinese nationals na pugante sa kanilang bansa, ayon sa tagapagsalita ng ahensya nitong Biyernes.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na nakatanggap ng impormasyon ang pamahalaan mula sa Chinese authorities na nagtatago ang tatlong pugante sa Pilipinas.

“Sila po ay mga fugitives sa kanilang bansa. Dito po sila nagtatago upang takasan ang pananagutan nila doon sa kanilang bansa,” aniya sa public briefing.

Base kay Sandoval, kasalukuyang nakaditine ang tatlo sa boarding facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.

Patuloy niya, pino-proseso na ang deportasyon ng tatlo.

“Immediately po ‘yan, lalong-lalo po itong fugitives. We really prioritize the deportation of these fugitives so they will be able to face justice doon po sa kanilang mga bansang pinanggalingan,” pahayag niya. RNT/SA