3 pulis-Ermita ginising sa sermon nang maabutang natutulog sa duty

3 pulis-Ermita ginising sa sermon nang maabutang natutulog sa duty

November 24, 2022 @ 4:28 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Nakatikim ng sermon ang tatlong pulis na nakatalaga sa Lawton PCP na sakop ng MPD-Station 5 o Ermita Police Station nang maaktuhang natutulog habang naka-duty.

Nagsagawa ng surprise inspection bandang alas-4 ng madaling araw nitong Miyerkules  si MPD Director General Andre Dizon sa mga istasyon ng pulisya sa Maynila kung saan nadatnan ang tatlong pulis na mahimbing na natutulog.

Hindi naramdaman ng mga pulis ang pagdating ng heneral kahit pa isa-isa silang kinukunan ng video kaya siya na mismo ang gumising sa kanila.

Bagama’t hindi na sinampahan ng administrative charges ang tatlong pulis ngunit inilipat sila sa Delpan Police Station.

Paalala ni Dizon, dapat laging alerto ang mga pulis at hindi natutulog sa oras ng kanilang duty.

Kung hindi naman aniya talaga mapipigilan ang antok ay puwede naman aniyang umidlip pero dapat hindi sabay-sabay at mas marami ang dapat na gising.

Ayon kay Dizon, tuloy-tuloy ang kanyang surprise inspection lalo na upang masiguro na ang kanyang mga tauhan ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden