3 Quickie sex tips!

3 Quickie sex tips!

October 21, 2018 @ 3:06 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa madaling sabi, ang “Quickie” ay isang madaliang pakikipagtalik, walang anomang pasabi o foreplay, aksyon na kaagad. Ito na rin siguro ang fast food ng pakikipag-sex.

Mayroong mga nakapagsasabi na ang “Quickie” ay ang klase ng pakikipagtalik na hindi dapat inaaaraw-araw dahil sa katagalan ay nakakasawa rin. Para lang talaga sa mga panahong hindi inaasahan.

Ayon kay Carol Queen, staff sexologist ng adult toy store ng Good Vibration, pagdating sa heterosexual context, ang “Quickie” ay sapat na oras lamang para makaabot sa climax ang bawat partido (kasama ang mga lalaki dahil ayon sa Kinsey report, ang average time ng lalaki para makapag-climax ay tatlong minuto).

Challenge nga itong maituturing dahil kailangan ninyong parehong siguraduhin na ang bawat sandali ay magiging memorable, pleasurable at meaningful. Subukan ang tatlong “Quickie” Sex tips na babago sa iyong buhay.

 

Hubarin lang ang kailangan hubarin

Sa “Quickie” hindi palaging kailangan na maghubo’t hubad. Ang pinakaideya ng “Quickie” ay pagsasagawa ng lahat ng mabilisan. ‘Wag matakot mag-explore, ibaba lang ng kaunti ang iyong pantaon, itaas ang dress at hilahin sa gilid ang panty. Mas nakadaragdag pa ito ng tensiyon at maituturing pang “raw and hot”.

Panatilihin ang vibe at tanggalin lamang ang mga kailangan tanggalin para maabot ang nais makuhang parte ng katawan ng iyong partner.

Dun tayo sa komportableng posisyon

Maaari namang maging creative sa kung anong posisyon ang gusto mo pero mas maganda kung mananatili sa subok at garantisadong posisyon para sa matagumpay na “Quickie”. Kailangan mo lang talagang malaman kung anong pinakaepektibo para sa’yo. Tandaan, ito ang mabilis na bersyon ng  pakikipagtalik kaya’t dapat lahat ay mabilis. Kung mas mabilis kang makapag-climax sa missionary, go! Kung doggy, sige lang!

Ngayon, kung matataon naman na naisipin ninyong mag-quickie sa daan o nakatayo o sa banyo, palaging piliin ang posisyon na simple at komportable.

Ang Quickie ay hindi parating pagpasok sa hiyas

Para mas malinaw: ang “Quickie” ay hindi parating katumbas ng penetration. Maaaring ito ay express lane sa Cunnilingus Town o sikretong blow job sa ilalim ng kumot sa eroplano.

Ang “Quickie” ay kahit anong paraan para mabilis na makapag-climax o para lang mabilis na makaraos. ‘Wag matakot na sumubok at mag-isip ng ibang paraan. Gawin mo kung ano ang nararamdaman mong maganda para sa’yo at sa iyong partner./Remate News Team