3 rapist arestado sa sementeryo

3 rapist arestado sa sementeryo

November 3, 2022 @ 9:06 AM 4 weeks ago


PALAWAN- Arestado ang tatlong suspek na wanted sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad Miyerkules sa probinsyang ito.

Batay sa report ng Police Regional Office 8, inaasahan ng mga awtoridad na dadalo sa sementeryo ang suspek na hindi pinangalanan at nasa most wanted sa naturang rehiyon.

Hindi na nagawa pang makatakbo ng suspek makaraan makorber na ito ng pulisya at agad na pinosasan.

Ayon Colonel Reydante Ariza, chief of the Regional Intelligence Division-PRO 8., ang nadakip na suspek ay kabilang sa apat na dumukot sa isang babae at pinagtulungan gahasain noong Nobyembre 2014, Southern Leyte.

“Napag-alaman natin na ito ay dadalaw sa puntod ng kanyang kaanak na sumakabilang buhay doon sa sementeryo kaya hindi na tayo nag-atubili pa nang malaman natin kung saan siya pupunta. Agad po natin itong sinundan,” ani Ariza.

Sa Northern Samar naman nadakip rin ang isang suspek na gumahasa sa sarili niyang anak taon 2010.

Habang nadakip rin ang isa pang ama na gumahasa sa dalawa niyang anak na menor de edad taon 2021 sa pinagtataguan nito sa Pasig City. Mary Anne Sapico