3 rapist arestado

 3 rapist arestado

April 3, 2022 @ 9:47 AM 3 months ago


NUEVA VIZCAYA – Arestado ang tatlong lalaki na pawang may mga kasong rape sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad Sabado sa lalawigan ito.

Kinilala ang mga nadakip sa pangalan sina Jayson, 20 anyos, binata, laborer ; James, 18 anyos, mag-aaral at Rogie , 18 anyos, mag-aaral na pawang residente ng Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Bagabag Police Station, nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cicero Jandoc ng RTC Branch 29 Bayombong Nueva Vizcaya sa kasong rape.

Ang mga suspek nasa listahan ng most wanted person at nasa number 6, number 7 at number 8 sa Nueva Vizcaya.

Wala naman inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala nilang kalayaan. Mary Anne Sapico