3 rehiyon sa Pinas may bird flu pa-BAI

3 rehiyon sa Pinas may bird flu pa-BAI

January 5, 2023 @ 10:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI) na hindi bababa sa tatlong rehiyon pa sa bansa ang apektado pa rin ng avian influenza o bird flu.

Kabilang sa mga ito ang Rehiyon 1 (Ilocos), 12 (Soccsksargen) at 4A (Calabarzon), kung saan partikular na sapul ng bird flu ay Ilocos Sur, North Cotabato at Batangas.

Ayon sa BAI, naiulat ang mga kaso ng bird flu sa Danuman West, Santa Maria, Ilocos Sur; Nasapian, Carmen, North Cotabato; at Sabang, Ibaan, Batangas.

Kabilang naman sa mga lugar na nakarekober sa avian influenza ay kinabibilangan ng Baao, Balatan, Bula, Goa, Libmanan, Nabua, Sipocot, lahat sa Camarines Sur; Magsaysay, Davao del Norte; at Hermosa, Bataan.

Batay sa datos mula sa BAI, hindi bababa sa walong rehiyon, 20 probinsya, 72 munisipalidad at 142 barangay ang dating naapektuhan ng Avian Influenza (AI) Subtype H5N1.

Sinabi ng Center for Disease Control (CDC) na ang AI H5N1 ay isang highly pathogenic at nakamamatay na strain para sa mga manok. RNT