3 Russian cosmonaut nagsuot ng kulay ng Ukraine paglapag sa ISS

3 Russian cosmonaut nagsuot ng kulay ng Ukraine paglapag sa ISS

March 19, 2022 @ 10:31 AM 3 months ago


Nagsuot ng pambansang kulay ng Ukraine ang tatlong cosmonaut sa kanilang paglapag sa International Space Station.

Magkagayunman, ipinaliwanag ni Oleg Artemyev, isa sa mga cosmonaut, na marami silang baong iba’t ibang kulay ng space suit at nagkataon lang ng ang kulay dilaw ang napili o napulot nilang isuot.

Kalakaran naman umano sa space station na hindi pinag-uusapan ang mga hindi pagkakaintindihan ng kanilang mga bansa sa lupa gaya ng iringan ng Russia at United States.

Kabilang ang Russia, US, Canada at ilang Europeo na bansa ang may hawak ng ISS na ang layunin ay pag-aralan ang kalawakan para sa kapakanan ng buong mundo.

Matatandaang isinama ang Rocosmos ng Russia na nagpapalipad ng mga cosmonaut sa mga sanction ng US laban sa Russia kaugnay ng giyera sa Ukraine ngunit inireklamo ito ng lahat ng mga cosmonaut at astronaut at hindi dapat na madamay ang kanilang hanay.

Sinabi ng Russia bilang ganti sa sanction o parusa na hindi na sila magpapadala ng mga cosmonaut at maaarig maging dahilan ito ng pagkawala sa orbit ng ISS at ikababagsak nito sa lupa anomang araw. RNT