3 sa 4 na nanghablot ng bag ng barista, kulong

3 sa 4 na nanghablot ng bag ng barista, kulong

December 26, 2022 @ 7:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang tatlo sa apat na binata na naghablot ng bag ng isang barista matapos na madakip ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang umaga, Disyembre 26 sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang mga naaresto na sina John Lawrence San Juan, 18 anyos, binata, Grade 7, residente ng No. 77 Scout Tuazon St., Brgy. South Triangle, QC; Gino Zabal, 22, binata, Grade 5, nakatira sa Block 15, Lot 40, Brgy. Kasiglahan, Montalban Rizal, at isang 17-anyos, Grade 6, ng Bolaños st Brgy. Tatalon, Q.C., habang nakatakas naman ang kasamahan nilang si John Clark Bajet, 18, at residente ng No. 96 Kaliraya St., Brgy. Tatalon, Q.C.

Nakilala naman ang biktima na si Danielle Mae Besas, 25, binata, barista, nakatira sa No. 22 Punay St., Amparo Novaville, Novaliches, Caloocan City.

Sa ulat ng Kamuning Police Station 10 pasado 5:00 ng umaga (Disyembre 26), nang maganap ang insidente sa harapan ng Union Bank Parking Lot sa Timog Ave., Brgy. Sacred Heart, Q.C.

Sa imbestigsyon ni PCMS Wilmore M Bataanon, nakatayo umano ang biktima sa parking lot nang paligiran siya ng mga suspek at biglang hinalbot ang kaniyang bag saka mabilis na tumakas sakay ng isang taxi na ‘di naplakahan patungong Timog Avenue. Q.C.

Agad na nagpasaklolo ang barista sa mga awtoridad at naaresto ang tatlo sa apat na suspek matapos na ma-track ang lokasyon ng mga snatcher sa iPhone 11 ng biktima.

Hindi naman nabawi mula sa mga suspek ang ninakaw na secosana bag; Philippine Passport; (1) unit Vivo V19 Neo na nagkakahalaga ng P17,000.00; Cash Money P20,000.00 at iba pang mga credit cards.

Narekober lamang sa mga suspek ang (1) unit iPhone 11 ng biktima na nagkakahalaga ng P28,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Art. 308 of the Revised Penal Code (Theft) laban sa mga suspek. Jan Sinocruz