3 sa 5 Pinoy naniniwalang nagtago ng COVID-19 info ang China – poll

3 sa 5 Pinoy naniniwalang nagtago ng COVID-19 info ang China – poll

July 14, 2020 @ 2:50 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naniniwala ang tatlo sa limang Filipino na nagtago ng impormasyon ang China ukol sa COVID-19, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa resulta ng survey, 61 porsyento ng mga respondent ang tumanggap sa alegasyon ng ibang bansa na hindi binanggit ng China ang buong impormasyon tungkol sa coronavirus, kabilang ang paglala ng sakit na sanhi nito at bilang ng mga nasawi sa naturang bansa.

Ipinapakita rin sa survey na 28 porsyento ng mga respondent ang naniniwala rito habang 33 poryento ang bahagyang naniniwala sa akusasyon laban sa China. Sa kabilang banda, 23 porsyento ang hindi naniniwala at 15 porsyento ang undecided.

Unang nagmula ang kaso ng COVID-19 sa Wuhan, China noong Disyembre 2019 kung saan pinaniniwalaang kumalat ito sa isang wildlife market.

Nitong Pebrero, isang whistleblowing Chinese doctor, na pinagbawalang magkalat umano ng tsismis tungkol sa novel coronavirus bago ito opisyal na makilala, ang nasawi makaraang magpositibo sa COVID-19.

Nanindigan naman ang China na naging transparent ito sa impormasyon ukol sa virus mula nang magsimula ang outbreak.

Hanggang Hulyo 13, nakapagtala ng higit 57,000 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas kung saan halos 1,600 na ang nasawi at higit 20,000 naman ang nakarekober. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...