3 sabungero huli sa tupada

3 sabungero huli sa tupada

February 23, 2021 @ 3:48 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

CAGAYAN, Philippines — Huli sa akto ang tatlong sabungero sa isang tupada ng manok sa Minanga West, Buguey, ng lalawigang ito.

Kinilala P/Capt. Joel Labasan, hepe ng PNP Buguey, ang tatlong nahuli na sina Dennis Corpuz, 41, residente ng Barangay Centro West, Nelson Tabilas, 24, at Albert Tabilas, 57, pawang residente ng Minanga Weste ng nasabing bayan.

Nagpulasang parang ibon ang iba pang sabongero at hindi na nahabol pa ng mga rumespondeng mga pulis sa naturang lugar.

Ayon kay PCol. Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling sa Cagayan.

Kaugnay nito, binalaan niya ang kanyang mga tauhan na sinomang masangkot sa lahat ng uri ng illegal gambling ay posibleng masibak sa kanilang tungkulin bukod sa kasong kakaharapin.

Naiwan ng mga mananabong ang dalawang manok na magsisilbing ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban kina Corpuz at sa dalawang Tabilas. Rey Velasco


  •  
  •  
  •