3 sangkot sa droga nalambat sa Navotas

3 sangkot sa droga nalambat sa Navotas

November 14, 2020 @ 2:11 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang Lalamove driver matapos makuhanan ng P85,000 halaga ng shabu sa Navotas City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Navotas Police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Curt Sabijon, 20, lalamove driver ng Brgy. Tugatog, Malabon City, Jaime Oquindo, 24, at Cedrick Marcelo, 25, kapwa ng Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl Jaycito Ferrer, dakong 1:05 ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. na nasasagawa ng anti-illegal drug validation at surveillance sa Gov. Pascual, Brgy. San Jose.

Nakumpiska ng mga pulis sa tatlong suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng 12.5 ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P85,000.00 ang halaga.

Kasama ring inaresto ng mga pulis sina Ariane Ochoa, 24, at Melanie Santos, 22, kapwa ng Brgy. Tangos South, Navotas City dahil sa Obstruction of Justice. (Boysan Buenaventura)


  •  
  •  
  •  

Loading...