3 sentinaryo pinarangalan sa anibersaryo ng PHLPost

3 sentinaryo pinarangalan sa anibersaryo ng PHLPost

April 4, 2019 @ 3:39 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Bilang bahagi ng ika 27th anibersaryo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) inilunsad ang  Filipino Centenarian Special Stamp sa Maynila tampok ang mga nasa edad 100 taong gulang.

Tatlong centenarian naman ang naparangalan sa nasabing pagdiriwang kung saan ipinrisinta ni Mayor Estrada at PHLPost Chairman Norman Fulgencio ang special stamp frames sa mga living Centenarians na inendorso ng Office of Senior Citizens Affairs of Manila.

Kabilang sa umabot sa edad 100 ay sina Gng. Sabina Pelayo Santos ng Tondo; Gng. Neriza Castaneda Reyes ng Sta.Ana, Maynila; at Gng. Encarnacion Vinluan Pedroso ng San Miguel Maynila.


Iniabot ni Manila Mayor Joseph Estrada at PhilPost Manager  Norman Fulgencio ang Personalized Stamps Frame sa tatlong centenarians na sina Gng. Encarnacion Vinluan at Gng. Neriza Castaneda habang hindi naman nakadalo ang isa pang awardee sa Bulwagang Antonio Villegas, City Hall, Maynila, pinagkalooban din na P100,000 bilang insentibo sa mga centenarians. Crismon Heramis

Nabatid na ito ang kauna-unahan na nabigyan ng pagkilala at pagbibigay halaga ng PHLPost sa mga centenarian sa lungsod ng Maynila at ito ay magpapatuloy sa hanay ng mga Local Government Units (LGUs) sa buong bansa.

Bibigyan naman ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng halagang P100,000 incentives ang nabanggit ng mga centenarian habang bibigyan naman sila ng personalized stamps ng PHLPost bilang pagkilala.

Ayon pa kay Estrada ang nasabing mga sentenaryo ang saksi sa mga nagaganap sa Maynila at isang makahulugan ang naturang pagdiriwang dahil sa pagbibigay ng halaga sa mga Filipino Centenarians na makilala at mabigyan ng selyo.

Nagpasalamt naman si Mayor Estrada sa PHLPost dahil sa dakilang kontribusyon at karangalang ibibigay sa mga centenarian.

“Ang mabuhay ng hanggang 100 taon ay isang bagay na nararapat lamang mabigyan ng pagkilala” pahayag ni Chairman Fulgencio.

Ayon pa kay Chairman Fulgencio ang presentasyon ng selyo sa mga sentenaryo sa ating bansa ay parte ng panlipunang responsibilidad ng korporasyon ayon sa itinatadhana ng batas o Republic Act No. 10868, “An act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarian, and for other purposes.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)