3 sibak sa Bacoor City Jailbreak

3 sibak sa Bacoor City Jailbreak

July 28, 2018 @ 9:39 AM 5 years ago


Cavite – Sibak sa pwesto ang supervisor at 2 jail guard ng Bacoor City Custodial Center matapos makatakas ang 22 bilanggo kahapon.

Sa pagpunta ni Calabarzon Police Director Edward Carranza sa pasilidad, agad nitong ipinag-utos kay Cavite PNP Provincial Director Senior Supt. William Segun ang pagsibak sa chief jail custodian.

Alas-4:20 ng hapon (July 27) nang samantalahin ng 22 bilangg ang nag-iisang bantay at agad na tumakas,

Agad na nahuli ang tatlo at sumuko naman kagabi ang dalawa.

Siniguro naman ng pulisya na, hindi itinuturing na delikado ang mga pumuga.

Sa 17 pang hinahanap, 12 ang may kaso na may kinalaman sa droga, tatlo ang kinasuhan ng robbery, isa ang may kasong frustrated murder gayundin ang forcible abduction with rape at illegal discharge of firearm.

Nabahala naman si Carranza sa decongestion o sisikang mga kulungan dahil ang kapasidad lang nito ay 100 pero nasa 500 ang nakadetine dito at posible aniyang isa itong dahilan ng pagtakas nila.

Humingi rin ng tulong ang Calabarzon PNP sa publiko na agad ipaalam sa kanila kung makilala ang mga pumugang preo at itawag o i-text sa mga numerong ito: Globe 0945 764 4424 Smart-0908 777 9992 (Remate News Team)