3 stepdaughter minolestya ng stepdad

3 stepdaughter minolestya ng stepdad

March 10, 2023 @ 7:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang security guard nang maaresto habang naka-duty makaraan umanong gawing parausan ang tatlo nitong anak-anakan.

Ang suspek na si Mardy Sanchez, 43 anyos ng Pinagbuhatan, Pasig City ay naaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest sa pinapasukang trabaho sa Makati City.

Ayon kay P/Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, isinilbi ng kanyang mga tauhan ang arrest warrant na inisyu ni Hon.Carmencita V.P. Lacandazo – Logan, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 12, Pasig City laban kay Sanchez dahil sa kasong 4 counts ng Sexual Abuse under Sec. 5 (b) ng Republic Act 7610 (4 Counts).

Sa rekord, paulit-ulit umanong minolestiya ng suspek ang tatlong anak ng kanyang kinakasama.

Dahil sa tatlong bilang ng kasong rape, ang suspek ay hindi pinayagan ng korte na maglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden