3 sugatan sa nasunog na bagon ng MRT

3 sugatan sa nasunog na bagon ng MRT

October 10, 2021 @ 8:02 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tatlo ang sugatan na pawang mga babae nang masunog ang bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa bahagi ng Guadalupe Station sa EDSA, gabi ng Sabado Oktubre 9.

Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng MRT na natanggap nila ang report na nasusunog nga ang tren sa naturang istasyon alas-9:12 ng gabi.

Idineklara naman ng mga otoridad na fire out na ang sunog bandang 9:51 ng gabi.

“Minor injuries initially recorded were that of three ladies who sustained bruises in their legs after jumping off the train to the mainline tracks,” pahayag ng MRT management sa isang Twitter post.

“The MRT-3 management is currently exhausting all efforts to address the situation, putting into primary consideration the safety of the passengers.”

Agad naman na nagbigay ng provisional service ang pamunuan ng tren para sa mga pasahero mula North Avenue station patungong Shaw Boulevard station.

“No casualties and major injuries were reported as of writing. A more detailed statement will be released by the management soon,” dagdag pa ng pamunuan. RNT


  •  
  •  
  •