3 sugatan sa sumabog na granada sa Cotabato  

3 sugatan sa sumabog na granada sa Cotabato  

December 16, 2021 @ 11:26 AM 10 months ago


Kidapawan – Sugatan ang tatlong indibidwal sa sumabog na granada sa Matalam, Cotabato kagabi, Disyembre 15.

Ayon kay Major Junrel Amotan, Matalam town police chief, naganap ang pagsabog bandang 9 p.m. sa national highway sa  Barangay Kilada.

Kinilala naman ang mga biktimang sina Elizabeth, Florencio, at 10-anyos na tinukoy na Wahing.

Ilang bahagi ng kanilang katawan ang sugatan at ngayon ay naka-confine na sa ospital.

Narekober naman sa crime scene ang caliber .45 shell. RNT/FGDC