3 sugatan sa tumaob na kotse

3 sugatan sa tumaob na kotse

July 30, 2018 @ 11:40 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakataob pa ng abutan ng mga awtoridad ang isang kotse  matapos bumangga sa isang SUV kaninang madaling araw sa Roxas Boulevard, Maynila.

Tatlo naman ang iniulat na sugatan na sakay ng kotse dahil sa insidente na ayon sa kaanak ng mga biktima ay galing ang mga ito sa libing sa Cavite at pauwi nasa Binondo, Maynila nang mangyari ang aksidente.

Kabilang sa sugatan ang isang 86-anyos na lolo.

Ayon sa kaanak ng mga biktima na si Dhel Diaz, malayo pa lamang aniya ay napansin na ng mga biktima ang SUV na pagewang-gewang at flat ang gulong bago bumangga sa kotse.

Dahil sa lakas na pagkakabangga ay tumaob ang kotse at nabasag ang bintana at nasira ang hood nito. Itinanggi naman ng driver ng SUV na siya ang bumangga sa mga biktima na agad dinala sa malapit na ospital.

Iniimbestigahan na ng Manila Traffic Bureau ang insidente na nangyari bandang alas-3 ng madaling araw sa Roxas Boulevard tapat ng US Embassy. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)