3 sundalo, 3 ‘miyembro’ ng MILF patay sa Basilan clash

3 sundalo, 3 ‘miyembro’ ng MILF patay sa Basilan clash

November 10, 2022 @ 11:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang tatlong sundalo at talong hinihinalang Moro Islamic Liberation Front (MILF) members sa engkwentro sa Ungkaya Pukan, Basilan, ayon sa militar nitong Huwebes.

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command spokesperson Lieutenant Colonel Abdurasad Sirajan na ang tatlong nasawing sundalo a mula sa 18th Infantry Battalion (18IB).

Bukod sa kanila, tatlong sundalo pa– anim mula sa 64th Infantry Battalion (64IB) at isa mula sa 18IB —ang nagtamo ng sugat sa sagupaan, base kay Sirajan.

“They were about to resupply troops involved [in the initial fighting], especially the 64th IB. While on the way to the vicinity, they were ambushed,” paglalahad ni Sirajan, na tumutukoy sa mga tropa.

Bago ang insidente, nagkaroon ng negosasyon ang grupo ng umano’y MILF at iba pang armadong grupo kay  Lieutenant Colonel John Ferdinand Lazo, commander ng 64th Infantry Battalion,hinggil sa isang tao na nasa likod ng pag-atake ng pagsabog sa Isabela City at Lamitan City kamakailan.

Nagkasundo ang militar at ang grupo ng MILF na nagtungo sila sa Barangay Ulitan at wala dapat silang dalang armas.

Iginiit ni Sirajan na idineklara ang ceasefire noong Martes ng gabi subalit patuloy pa rin ang “skirmishes” hanggang Miyerkules.

“Mula pa noong the night of Tuesday, ini-impose na ‘yung ceasefire pero meron pa ring skirmishes hanggang kahapon,” ani Sirajan nitong Huwebes.

“Ang lesson learned dito is abide with the arrangement. Halimbawa, ang usapan dun is ‘yung balik barangay nila ay umaga o araw talaga ng Tuesday, ay dapat talaga sa araw ng Tuesday sila bumalik at hindi sa midnight ng Monday,” dagdag niya.       

Nanawagan naman ang pamahalaan ng kooperasyon sa kanilang itinuturing na katuwang mula sa MILF  na manatili sa pagpapatupad ng tigil-putukan para na rin sa kapakinabangan ng sambayanan at mapangalagaan ang kasunduan pangkapayapaan. Mary Anne Sapico