3 sundalo patay sa Eastern Samar clash

3 sundalo patay sa Eastern Samar clash

July 7, 2021 @ 1:48 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Patay ang tatlong sundalo sa engkuwentro sa pagitan ng mga hinihinalang rebelde sa Jipapad, Eastern Samar kaninang umaga, batay sa militar.

Sinabi ng 8th Infantry Division na papunta sana sa itinatayong patrol base ang mga kasapi ng 52nd Infantry Battalion nang makabakbakan ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army bandang alas-7 ng umaga.

Gumamit umano ng improvised explosive device ang mga rebelde.

Iniulat din na sugatan ang anim na kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na isinugod sa ospital.

Kasalukuyang pinaghahanap na ng sundalo ang mga nakasagupang rebelde. RNT/FGDC