3 sunod na oil price hike agad sa 2022

3 sunod na oil price hike agad sa 2022

January 17, 2022 @ 10:35 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Sa ikatlong sunod na linggo, muling nagpatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Coroporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum ang dagdag presyo na P0.90 sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa kada litro ng diesel, at P2.30 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

Nagpatupad din ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipinatupad alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-4:01 ng hapon.

Ang isinagawang malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.75 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng diesel, at P0.90 sa kada litro naman ng kerosene. JAY Reyes