Graft conviction ni Jun Lozada pinagtibay ng SC

May 27, 2022 @7:30 PM
Views:
6
MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Korte Suprema nitong Biyernes ang graft ruling laban kay NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. sa paggawad niya ng leasehold rights sa pampublikong lupa sa kanyang kapatid sa ilalim ng government-owned corporation program.
Sa 17-page resolution, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Lozada at ng kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada, at sinintensyahan sila ng minimum imprisonment na anim na taon at isang buwan at maximum imprisonment na 10 taon at isang araw.
Inakusahan ng Ombudsman si Lozada noong 2007 ng “partiality” at pagbibigay ng unwarranted benefits nang igawad niya ang mahigit 6.599 ektarya ng pampublikong lupa sa kanyang kapatid sa ilalim ng Lupang Hinirang Program ng Philippine Forest Corporation (Philforest).
Si Jun Lozada noong panahong iyon, ang presidente ng Philforest.
Hinatulang guilty sa graft ng Sandiganbayan ang magkapatid Sandiganbayan noong Agosto 2016.
“[R]odolfo’s issuance of a notice of award of leasehold rights in Orlando’s favor, despite non-compliance with the application and auction requirements, smacks of unwarranted and unjustified preference,” sabi ng SC.
“The fact that Orlando was granted a notice of award, even if he did not go through the required procedure, is sufficient to establish that there was a preference in his favor.”
“Lastly, the petitioners’ constitutional right to be informed of the nature and cause of the accusations against them was not violated,” patuloy pa nito.
Si Lozada ay whistleblower sa multi-million NBN-ZTE deal kung saan sangkot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. RNT/SA
Chinese envoy nagpasalamat kay PDu30

May 27, 2022 @7:15 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni China’s Ambassador to Manila Huang Xilian nitong Biyernes si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang “great contributions” sa mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Manila at Beijing, at hiniling ang pinakamainam para sa kanya sa pagbaba niya sa pwesto.
Nag-post si Huang ng larawan sa social media na kuha sa Malakanyang nitong Miyerkules, nang tanggapin ni Duterte ang 4 na bagong diplomats mula sa Greece, Cambodia, Argentina, at Indonesia.
“Happy to join other ambassadors to meet His Excellency President Rodrigo Roa Duterte on 25 May. I extended my gratitude to President Duterte for his great contributions to the development of China-Philippines relationship in the past 6 years,” pahayag ng Chinese envoy.
“I also showed my sincere respect to him for adhering to an independent foreign policy. I wish him every success and expect his continuous support to China-Philippines friendship,” dagdag pa niya.
Isinulong ni Duterte, na nakatakdang matapos ang termino sa Hunyo 30, ang maayos na relasyon sa Tsina sa kanyang anim na taon sa opisina, habang nag-alok naman ang Beijing ng infrastructure at pandemic aid sa gitna ng agawan sa West Philippine Sea, ang exclusive economic zone ng bansa sa South China Sea.
Kahit na ibinasura ng Hague tribunal ang protesta ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo, patuloy na binabalewala ng Beijing ang ruling.
Sinabi ni Huang noong Mayo 2021 na “properly handled” ang iringan sa South China Sea sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Matatandaang sinabi ni Duterte kay Huang noong Abril na ang Manila at Bejing “do not have any quarrel” ukol sa Spratlys. RNT/SA
BRP Melchora Aquino umarangkada na pauwi sa Pinas

May 27, 2022 @7:00 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Umarangkada na ang pinakabagong 97-meter, multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard’s (PCG) mula sa Japan at inaasahang darating sa bansa sa Hunyo 1.
Sa isang talumpati, sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na ang BRP Melchora Aquino, ay“another brand-new capital ship” katulad ng BRP Teresa Magbanua.
“This sturdy white ship will serve as the stalwart protector of our maritime reserve, and instrument for peace and tranquility within our territorial waters,” pahayag ni Abu.
Ito umano ang magsisilbing “symbol of hope,” “source of national pride,” at magsisilbing instrumento sa pagsusulong ng rule of law sa dagat at “enhancing amity among neighboring nations.”
Gawa ng Mitsubishi Shipbuilding at pinondohan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sinabi niya na sumisimbolo ang barko sa “strong partnership and cooperation” sa pagitan ng Japan at Pilipinas.
Sa isang hiwalay na talumpati, sinabi ni Transportation Undersecretary for Maritime Admiral George Ursabia Jr. (Ret.) na parehong binili ang BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua sa ilalim ng Department of Transportation’s (DOTr) Maritime Safety Capability Improvement Project Phase 2.
“I am confident that our solid partnership and decade-long friendship aimed at realizing numerous development projects will further solidify our bond to be able to withstand the tides of time,” pahayag ni Ursabia. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Higit 171K Pinoy naturukan na ng 2nd booster shot vs COVID

May 27, 2022 @6:48 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Mahigit 171,000 indibidwal ang naturukan na ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19, ayon sa health official nitong Biyernes.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na sa kasalukuyan ay naitala nila ang 171,848 recipients ng ikalawang booster shot laban sa coronavirus disease.
“Yung second booster, we have a total of about 171,848,” aniya sa Laging Handa briefing.
Sa bilang na ito, 83,000 ang senior citizens, base kay Cabotaje.
Inanunsyo ng DOH nitong Mayo 18 na maaari nang bakunahan ang mga senior citizen at health frontliners ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19.
Batay sa DOH guidelines, Pfizer at Moderna ang ituturok sa indibidwal apat na buwan matapos mabakunahan ng unang booster dose para sa mga indibidwal na kabilang sa Priority Group A1: Workers in Essential Health Services, at Priority Group A2: Senior Citizens.
Samantala, mahigit 69.2 milyong indibidwal naman ang nakakumpleto na ng primary series ng anti-COVID vaccine, ayon sa Malakanyang sa hiwalay na briefing. RNT/SA
Palasyo wala pang kumpirmasyon kung dadalo si PRRD sa inagurasyon ni Sara

May 27, 2022 @6:36 PM
Views:
18