3 terorista patay sa engkwentro

3 terorista patay sa engkwentro

January 31, 2023 @ 9:28 AM 2 months ago


QUEZON- Patay ang tatlong miyembro ng hinihinalang Communist Terrorist Group (CTG) matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan, iniulat kahapon sa bayan ng San Francisco.

Kinilala ang isa sa mga ito na si Joseph Delos Santos, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi.

Sa nakarating na impormasyon sa Quezon Police Provincial Office, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga sundalo laban sa mga teroristang grupo ng nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang ilang kasapi ng ng CTG.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong terorista habang nakatakas ang iba pa nilang kasama patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing bayan.

Narekober ng mga sundalo sa lugar ng pinangyarihan ng bakbakan ang tatlong AK-47 rifles at bandolier.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa mga nakatakas na teroristang grupo. Mary Anne Sapico