3 terorista patay sa engkwentro

3 terorista patay sa engkwentro

July 24, 2022 @ 3:07 PM 3 weeks ago


MAGUINDANAO- NALAGASAN ng tatlong miyembro ang teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos lusubin ang kampo ng militar at nauwi sa bakbakan Sabado sa lalawigan ito.

Ayon kay major Maximino Gerodias Jr., hepe ng Mamasapano Police Station, naganap ang sagupaan sa Barangay Tukanalipao Mamasapano Maguindanao.

Aniya, sinalakay ng BIFF ang Patrol Base ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army sa nasabing lugar at pinaputukan ng bitbit nilang armas na nauwi sa bakbakan.

Nagsilikas naman ang mga residente sa lugar sa takot na maipit ang mga ito sa gulo.

Tumagal ng 6-oras ang palitan ng putok hanggang sa magpakawala ng 81 mm mortar ang mga sundalo na ikinasawi ng tatlong terorista saka nagsitakas ang mga ito.

Wala naman naiulat na sugatan o nasawi sa tropa ng pamahalaan.

Patuloy naman ang ginagawang combat clearing operation ng militar laban sa teroristang grupo./Mary Anne Sapico