3 testigo sa ‘PhilHealth anomalies,’ pinangalanan ni Lacson

3 testigo sa ‘PhilHealth anomalies,’ pinangalanan ni Lacson

August 3, 2020 @ 4:34 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Inihayag ni Senator Panfilo Lacson ang pangalan ng dalawang dating opisyal at isang kasalukuyang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tetestigo kaugnay sa nangyayaring anomalya sa ahensya.

Sa isang panayam, kinilala ni Lacson ang mga ito na sina PhilHealth board member Alejandro Cabading, Estrobal Laborte na dating assistant ni PhilHealth chief Ricardo at ang nag-resign na si anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith na magsisilbing saksi sa hearing ng Senado kaugnay sa nasabing isyu.

“Itong tatlong witnesses, they have a lot to say about the anomalies in PhilHealth… major issues na IRM (Interim Reimbursement Mechanism), financial statement at saka ‘yung procurement ng ICT equipment,” ani Lacson.

“Si Board member Cabading ito ‘yung naka-shouting match during the webinar,” dagdag pa ng senador.

Matatandaang lumabas sa media noong nakaraang buwan ang resignation letter ni Keith kung saan itinuturo nitong dahilan sa kanyang pag-alis ang malawakang korapsyon sa PhilHealth.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang two-week lockdown sa Senado ay hindi makakaapekto sa isasagawang hearing ng Senado kaugnay sa isyu ng ahensya. RNT/LF


  •  
  •  
  •