3 tiklo sa buy-bust sa Parañaque

3 tiklo sa buy-bust sa Parañaque

July 13, 2022 @ 3:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong pinaghihinalaang drug pushers sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) Martes ng gabi.

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang mga arestadong suspects na sina Rexan Godino Apigo a.k.a Buntog, 46, forklift operator at HelenMie Puzon Abueva, 32, vendor, kapwa residente ng No. 41 Bacawan Street Purok 1 Silverio Compound, Barangay San Isidro, Paranaque City; Vicinte Llander Gacilos, 60, ng No. 20 Bacawan Street Purok 1 Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City.

Base sa report na natanggap ni Macaraeg, naisagawa ng mga operatiba ng DDEU ang buy-bust operation dakong alas 8:30 ng gabi sa No. 41 Bacawan Street Purok 1 Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City.

Nauna dito ay nakatanggap ng impormasyon ang DDEU tungkol sa illegal na aktibidad ng mga suspects at nang magpositibo ang kanilang isinagawang surveillance operation ay silang nagkasa ng buy-bust na nagdulot ng kanilang pagkakaaresto.

Narekober sa posesyon ng. mga suspects ang 29 pirasong plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 30 gramo at nagkakahalaga ng P204,000; 1 black pouch, 1 wallet at ang P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ang narekober na illegal na droga ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis habang ang mga suspects ay pansamantalang nakapiit sa detention facility ng DDEU habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 and 11 under Art II of RA 9165. James I. Catapusan