3 tiklo sa drug bust

3 tiklo sa drug bust

July 13, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umaabot sa tinatayang P204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong drug suspek sa buy-bust operation na isinagawa ng mga elemento ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District gabi ng Hulyo 12, 2022.

Positibong kinilala ang mga suspek, ang Forklift operator na sina Rexan Godino Apigo alyas Buntog, 46-anyos na balo;  senior citizen na si Vicente Llander Gasilos, 60-anyos; at HelenMie Puzon Abueva, 32-anyos na vendor; pawang residente ng Parañaque City.

Ayon sa tala ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi ng Hulyo 12, 2022, sa No. 41 Bacawan Street Purok 1 Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City, nagkasa ang mga elemento ng DDEU-SPD ng drug buy-bust kasama ang ilang personnel ng District Intelligence Division, habang armado ng Certificate of Coordination mula sa PDEA para sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang 29 transparent plastic sachet ng shabu, 1 tunay na  P500 bill na ginamit na buy bust money, isang itim na pouch at isang wallet.

Dinala ang mga inarestong suspek sa SPD DDEU Office para sa dokumentasyon at disposisyon, habang  ang kasong Violation of Sections 5 and 11 under Art II of RA 9165 laban sa kanila at inihahanda. Dave Baluyot