3 tiklo sa ‘Oplan Galugad’ sa Pasay



3 tiklo sa ‘Oplan Galugad’ sa Pasay

June 10, 2021 @ 7:01 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong drug suspects na nakuhanan ng P153,000 halaga ng shabu sa isinagawang Oplan Galugad ng mga miyembro ng Pasay City police.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Jimili L. Macaraeg ang mga inarestong suspects na sina Arturo Estopa a.k.a. Omeng, Marlon Mendoza at isang alias MJ, pawang mga residente sa naturang lungsod.

Base sa report na isinumite kay Macaraeg ni Pasay City police chief P/Col. Cesar G. Paday-os, nasakote ang mga suspects dakong alas 3:50 ng hapon sa Saint Rita St., Barangay 178, Maricaban, Pasay City.

Sa report ni Paday-os ay nagsasagawa ng Oplan Galugad operation ang mga tauhan ng Pasay City Police Substation 7 nang matiyempuhan ng mga ito ang tatlong suspects na nagsasagawa rin ng kanilang ilegal na transakyon sa pagbebenta ng shabu.

Matapos masita ng mga operatiba ang tatlong suspects ay hindi na nakapalag ang mga ito na binasahan ng kanilang karapatang pang konstitusyon bago dinala sa Pasay City General Hospital (PCGH) para sa kanilang medical examination.

Narekober sa posesyon ng mga suspects ang 5 piraso ng heat-sealed transparent sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 22.5 gramo at nagkakahalaga ng P150,000.

Ang nakumpiskang droga sa mga suspects ay dinala sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police na siyang gagawing ebidensya laban sa kanila sa pagsasampa ng kaso sa korte.

Pinuri naman ni Macaraeg ang Pasay city police sa pagkakaaresto ng mga suspects at binigyan ng warning ang mga criminal na hindi kukunsintihin ng pulisya ang mga illegal na aktibidad na tulad nito lalo pa ngayon sa panahon ng pandemya. (James I. Catapusan)


  •  
  •  
  •