3 tiklo sa P.3M shabu

3 tiklo sa P.3M shabu

December 29, 2022 @ 11:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlo katao nang mahulihan ng P340,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kalaboso sina Lolita Saavedra, 59; Robin Saavedra, 25, kapwa ng Marilao, Bulacan; at Noemi Ebacuardo, 28, ng Caloocan.

Natiklo ang mga suspek sa 12th Avenue, West Grace Park, Barangay 71, Caloocan dakong 6:00 a.m. nitong Miyerkules, Disyembre 28.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng mga dinakip. Merly Iral