3 tiklo sa P122K shabu

3 tiklo sa P122K shabu

September 25, 2022 @ 7:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatlo ang arestado habang ₱ 122,400 halaga ng shabu ang kumpiskado sa buy-bust operations sa Valenzuela at Navotas.

Dakong 6:30 a.m. ng Setyembre 22 nang dambahin sa operasyon Caracta Ville Santolan, Gen. T. De Leon, Valenzuela si Marlon M. Mercene, 46 years old, ng Parada, Valenzuela, na nakumpiskahan ng 10 gramo ng shabu na may presyong ₱ 68,000, boodle money at isang coin purse.

Eksaktong 1:43 a.m. naman ng nasabing petsa nang masakote sa Langaray St., Barangay North Bay Boulevard South Dagat-Dagatan, Navotas sina Warly R. Romay, 39, at; Wilson R. Romay, 33, kapwa ng Barangay Tangos North, Navotas na nakuhanan ng walong gramo ng ng shabu na may presyong ₱ 54,400 at buy-bust money.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga inaresto. Merly Iral