Taas-singil sa kuryente, nakaamba sa Malampaya maintenance shutdown

January 28, 2023 @11:20 AM
Views: 7
MANILA, Philippines- Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na posibleng makaapekto ang two-week maintenance shutdown ng Malampaya Deepwater Gas-to-Power facility sa gastos nito sa operasyon na magreresulta sa posibleng taas-singil sa consumer electricity bills.
Ayon sa ulat, kasadoa ng maintenance period mula Pebrero 4 hanggang 18.
“Hindi siya magpo-produce ng gas. ‘Yung Malampaya, nade-deplete na siya. So pababa po nang pababa yung napo-produce niya per day,” paliwanag ni DOE Undersectrary Rowena Cristina Guevara.
Dahil walang natural gas na magagamit para makapag-produce ng kuryente mula sa Malampaya, sinabi ng Meralco na mapipilitan silang kumuha ng fuel mula sa alternative sources.
Ang Malampaya natural gas sa Palawan ang nagpapatakbo sa power plants na nagsusuplay ng halos 2,000 megawatts sa Meralco.
“So around 40% yan of our energy requirements,” ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.
“Historically, everytime Malampaya goes on a maintenance shut down, nagkakaroon ito ng impact sa cost. … Maraming factors in play. This is just one of them but we have to wait for all the final billings from the suppliers when the time comes,” dagdag niya.
Sinabi ng Meralco official na posibleng maramdaman ang epekto sa March billing ng consumers.
Hinikayat naman ng Department of Energy ang iba pang power plants na umiwas sa pagsasagawa ng maintenance para sa patuloy na suplay ng enerhiya. RNT/SA
Estudyante na most wanted sa rape sa Malabon, arestado

January 28, 2023 @11:18 AM
Views: 12
MANILA, Philippines- Isinelda ang isang 18-anyos na estudyante na kabilang sa mga most wanted persons ng Malabon City matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa naturang lungsod.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si John Wenzel Modelo, grade 10 high school student at residente ng No. 143 Reparo St., Bagong Lote, Brgy. Potrero.
Ayon kay Col. Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpone Section (WSS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangsiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr ng manhunt operation in relation to One Time Big Time na nagresulta sa pagkakaaresto kay Modelo sa kanilang bahay dakong alas-7:30 ng gabi.
Ani P/Major Agbuya, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rhoda Magdalene L Mapilep-Osinada ng Regional Trial Court (RTC) Branch 289, Malabon City noong Nobyembre 16, 2021 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura
Legislative agenda para sa 2023, tinalakay nina Marcos, Zubiri, Romualdez

January 28, 2023 @11:06 AM
Views: 17
MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pinuno ng Kamara at Senado nitong Biyernes upang talakayin ang legislative agenda ng administrasyon para sa taong ito.
Ipinost ng Presidential Communications Office (PCO) sa social media ang larawan ng pulong ni Marcos kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang impormasyon ang PCO ukol dito.
Balik-sesyon ang Senado at Kamara ngayong linggo.
Nitong Martes, sinabi ng Department of Budget and Management na target ng administrasyon ang Progressive Budgeting for Better and Modernized Governance Bill, Budget and Treasury Management System, National Government Rightsizing Program, at ang Maharlika Investment Fund.
Itinutulak din ni Marcos ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership, isang mega-trade deal sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations at partners nito sa Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.
Base sa PCO, 10 sa 20 priority legislative measures na binanggit ng Pangulo sa unang State of the Nation Address noong Hulyo ang naipasa ng Kamara at naipadala na sa Senado hanggang nitong Enero 18. RNT/SA
ICC drug war probe tinawag na ‘irritant’ ni Boying

January 28, 2023 @10:52 AM
Views: 20
MANILA, Philippines- Inilarawan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang desisyon ng International Criminal Court’s (ICC) na i- authorize ang muling pagbubukas ng imbestigasyin sa drug war ng administrasyong Duterte bilang “unwelcome” at “irritant”.
“I think that the world knows that we are a functioning country with a functioning judicial system,” giit ni Remulla sa isang press briefing sa tanong kung makaaapekto ito sa aksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnyan sa international community.
“This is an irritant that just came in. It’s what we call an irritant,” dagdag niya. “Definitely, I do not welcome this move of theirs. And I will not welcome them to the Philippines unless they make it clear that they will respect us in this regard.”
Sinabi pa ni Remulla na hindi niya papayagan na kuwestiyunin ang soberanya ng Pilipinas.
Ayon kay Remulla, bagama’t bukas ang pamahalaan sa pakikipag-dayalogo at pagbabahagi ng datos sa ICC, hindi umano ito dapat ipilit.
Sinabi niya na tatalakayin niya ang susunod na aksyon ng pamahalaan kay Solicitor General Menardo Guevarra, na nauna nang sinabi na aapela ang bansa sa ICC Appeals Chamber.
Samantala, ayon kay Remulla, hindi pa niya nakakausap si Marcos hinggil dito.
Nang tanungin kung handa ang mga awtoridad na makipagtulungan sakaling mag-isyu ng arrest warrants ang ICC, sinabi ni Remulla na walang awtoridad ang ICC.
“They will have no compulsory process in the country. They will not even be empowered to issue subpoenas in the country,” ani Remulla.
Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay “country that is trying its best to cope with the demands of the times.”
Nanawagan din si Remulla sa ICC na ibahagi sa pamahalaan ang patterns na nais silipin ng mga imbestigador.
“But they cannot subsume upon, they cannot assume jurisdiction in this country without our allowing them to do that,” aniya,
Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng ICC na ang pre-trial chamber nito “is not satisfied that the Philippines is undertaking relevant investigations that would warrant a deferral of the court’s investigations.”
Kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, na nagtatag sa ICC, noong March 2019 sa pamumuno ni Duterte.
Para naman kay Marcos, walang intensyon ang bansa na muling umanib sa ICC. RNT/SA
Pagbebenta ng kontrabando sa NBP, utos ni Bantag – preso

January 28, 2023 @10:38 AM
Views: 17