Lolo, ‘di nakalabas sa nasusunog na bahay, patay

June 26, 2022 @9:54 AM
Views:
3
STA. ROSA, Nueva Ecija – Patay ang isang 83-anyos na lolo matapos na hindi makababa sa ikalawang palapag ng nasusunog nitong bahay sa Barangay Zamora ng bayang ito, noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni P/Major Fortune Dianne Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang nasawing biktima na si Marianito Talusan, 83, may-asawa ng nasabing lugar.
Nakaligtas naman sa sunog ang misis ng biktima na si Concepcion Talisan, 83, at ang tatlong nangungupahan sa kanila na sina May Viray, Joshua Viray at Jasmine Viray, pawang mga nasa hustong gulang.
Ayon kay P/SSG Jerry Oria, investigating case officer, natulungan umano si lola Concepcion ng kanilang mga boarder na makababa at makalabas sa nasabing bahay.
Gawa umano ang unang palapag ng bahay sa konkreto na inuupahan ng mga Viray habang gawa sa light materials ang ikalawang palapag na siyang tahanan ng mag-asawa.
Nabatid na naitala ang sunog bandang alas-8:30 ng gabi at inaalam pa ang naging sanhi at ang naging danyos ng sunog na magmumula sa Bureau of Fire Protection ng Sta. Rosa.
Napag-alaman na una umanong inilabas ng bahay ang misis ng biktima na pinagtulungang akayin ng mga Viray at nang babalikan na umano nila ang lolong biktima ay hindi na umano kinaya dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa ikalawang palapag ng bahay.
Dahil umano sa katandaan na kaya’t mahina na umano ang katawan ng lolo nang ma-trap ito sa nasusunog na bahay. Ver Sta. Ana
Vape bill haharangin ng DOH

June 26, 2022 @9:45 AM
Views:
7
MANILA, Philippines- Hinimok ng Department of Health (DOH) nitong Sabado ang mga civil society sector at advocates na tulungan silang mangampanya laban sa kontrobersyal na vape bill na maaaring maipasa bilang batas sa papasok na administrasyong Marcos.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “ipakikita nila ang kanilang posisyon” sa susunod na administrasyon hinggil sa panukala.
“Patuloy ang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan, kasama ng ibang ahensya ng gobyerno, ng ating civil societies atsaka health experts and advocates laban dito sa vape bill na naglalayon padaliin ang access at paluwagin ang regulasyon sa mapanganib na produktong ito lalong-lalo na sa ating kabataan,” sabi ni Vergeire
“We believe na kapakanan ng ating kabataan ang nakasalalay dito kung saka-sakaling mapasa ang vape bill na ito,” dagdag pa niya.
Ang panukala ay inaprubahan ng bicameral committee noong Enero ngayong taon. Gayunpaman, sinabi ng Malacañang noong huling bahagi ng Mayo na ang panukalang batas ay hindi pa naipapadala sa talaan ng opisina ng Palasyo.
Ang panukalang batas ay naglalayong ilipat ang regulasyon ng mga vape sa ilalim ng Department of Trade and Industry mula sa Food and Drug Administration. Pinabababa rin nito ang edad ng pagbebenta mula 21 hanggang 18.
Sinabi ni Vergeire na mahalagang suportahan sila ng mga sektor at advocates sa kanilang adhikain laban sa vape bill.
Hiling ni Vergeire sa lahat ng sektor na masuportahan sila dahil batid aniyang napakaimportante ang vape bill na hindi maipasa dahil maapektuhan ang kalusogan ng mga kabataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Sara Duterte, Briones nagharap sa transition talks

June 26, 2022 @9:30 AM
Views:
18
MANILA, Philippines- Nagdaos ng transition talks sina Vice President-elect Sara Duterte at outgoing Education Secretary Leonor Briones, araw ng Sabado.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Education na personal na binisita ni Duterte si Briones sa main office ng departamento sa Pasig City kung saan ay nagkaroon sila ng one-on-one meeting bago pa dumalo sa transition briefing kasama ang mga top DepEd officials.
Nagbigay si Briones ng overview ng trabaho ng DepEd sa ilaim ng outgoing administration.
Kasama na rito ang “summary of the scope of the department’s responsibility; the contribution of the outgoing administration to basic education reforms; and the identification of matters that require immediate policy attention.”
Samantala, kinilala naman ni Duterte ang naging kontribusyon ng kasalukuyang DepEd team.
Kinausap din niya si Briones at at nagpaabot ng pasasalamat sa suporta nito matapos na italaga siya ni president-elect Ferdinand Marcos Jr., na pamunuan ang DepEd.
Kapuwa naman nagkaroon ng consensus ukol sa policy matters sina Duterte at Briones na nangangailangan ng agarang atensyon gaya ng guidelines para sa incoming school year 2022 hanggang 2023 at budget para sa 2023.
Sinabi ng DepEd na ang mga concerns na ito ay agad na tutugunan sa pamamagitan ng konsultasyon sa pagitan ng concerned members ng parehong grupo.
Sa kabilang dako, binanggit din ni Duterte ang United Nations Transforming Education Summit na nakatakdang mangyari sa UN General Assembly sa Setyembre.
Ang outgoing administration, sa kabilang dako, ay ililipat ang trabaho ng National Consultations Convening Committee sa bagong administrasyon.
“Secretary Briones reiterated her assurance that Vice President-elect Duterte has the full support of the DepEd family in this transition period. She also agreed to continue to work with the incoming administration as a consultant,” ayon sa DepEd.
Samantala, isang joint farewell at welcome ceremony naman ang nakatakdang idaos sa Hulyo 4. Kris Jose
Transfer, reactivation kabilang sa mga transaksyon sa voter’s registration sa Hulyo

June 26, 2022 @9:15 AM
Views:
22
MANILA, Philippines- Ang pagpapatuloy ng rehistrasyon ng botante mula Hulyo 4 hanggang 23 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay magsasama ng iba pang mga transaksyon tulad ng transfer, change/corrections of entries, at reactivation.
Batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10798, ang mga transaksyon na gagawin ay ang pag-update ng mga rekord, paglilipat, pagbabago/pagwawasto ng mga entri, muling pagsasaaktibo o muling pagbabalik, at pagsasama ng mga talaan ng pagpaparehistro.
Ang mga taong may kapansanan, senior citizens, miyembro ng Indigenous Peoples’ o Indigenous Cultural Communities, at iba pang miyembro ng vulnerable sectors ay dapat ding ma-accommodate.
Ang mga aplikasyon ay kailangang personal na ihain sa Opisina ng Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan naninirahan ang aplikante mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon tuwing Lunes hanggang Sabado, kasama ang mga pista opisyal.
Ang isang botante ay dapat na hindi bababa sa 18 taong gulang sa o bago ang halalan sa barangay sa Disyembre 5, residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon sa lugar ng pagboto o hindi bababa sa anim na buwan kaagad bago ang botohan, at hindi nadiskuwalipika ng batas.
“Any person who has not reached the required voting age or period of residence on the day of registration but will possess such qualifications on or before the December 5, 2022 barangay elections may register as a voter,” saad sa resolution na may petsang Hunyo 22.
Ang mga botante ng SK ay dapat na hindi bababa sa 15 taong gulang ngunit hindi hihigit sa 30, na naninirahan sa nayon nang hindi bababa sa anim na buwan sa o bago ang Disyembre 5, at hindi kung hindi man ay nadiskuwalipika ng batas.
Ang mga rehistradong botante simula sa halalan sa Mayo 9 ay dapat isama sa database ng Sangguniang Kabataan System sa kondisyon na sila ay hindi lalampas sa 30 taong gulang sa o bago ang Disyembre 5, sabi ng Comelec.
Ang mga aplikante ay dapat magdala ng mga dokumento ng pagkakakilanlan na may litrato at pirma, na maaaring national ID sa ilalim ng Philippine Identification System; ID ng empleyado na may pirma ng employer o awtorisadong kinatawan; postal ID; PWD ID; ID ng mag-aaral o library card na nilagdaan ng awtoridad ng paaralan; ID ng senior citizen; at driver’s license
Tatanggapin din ang National Bureau of Investigation clearance; passport; ID cards na inisyu ng Social Security System, Government Service Insurance System, o Integrated Bar of the Philippines; Professional Regulatory Commission license; Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples; barangay identification/certification with photo; at iba pang valid ID cards.
“In the absence of any of the above-mentioned identification documents, the applicant may be identified under oath by any registered voter of the precinct where he/she intends to be registered, or by any of his/her relatives within the fourth civil degree of consanguinity or affinity,” sabi ng Comelec. “No registered voter or relative shall be allowed to identify more than three applicants.”
Sinabi ni Acting poll body spokesperson John Rex Laudiangco sa isang panayam na sa ilalim ng Republic Act 8189 (Continuing Voter’s Registration Act), ipinagbabawal ang pagpaparehistro sa loob ng 120 araw bago ang halalan.
“Roughly starting August 7, it’s already prohibited,” ayon sa Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Greta, magiging lola na!

June 26, 2022 @9:13 AM
Views:
21