3 timbog sa P136M shabu sa Kabite

3 timbog sa P136M shabu sa Kabite

April 26, 2022 @ 2:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek at nakumpiska ang P136 milyong halaga ng shabu sa Cavite nitong Lunes ng gabi.

Batay sa ulat, kinilala ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang mga suspek na sina Isaac Gabriel Ambulo, 29; Roman Hosias Ambulo, 25; at Abdurrahim Ambulo, 41, na naaresto sa isang buy-bust sa Molino Blvd, Mambog IV, Bacoor, Cavite City bandang alas-6:15 ng gabi nitong Lunes.

Narekober mula sa mga suspek ang 20 kilo ng hinihinalang shabu, boodle money, isang Honda Civic na may plate number na ZDJ 368, at identification cards at mga doumento.

Samantala, nakatakas naman ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Saddam Hadji Gaffor at Nabil Madarang.

Samsampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek habang ang mga nakalap na ebidensya ay dinala na sa PDEG Special Operations Unit – National Capital Region (SOU NCR) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City para sa dokumentasyon. RNT/SA