3 timbog sa sangkap ng bomba, baril sa Sulu

3 timbog sa sangkap ng bomba, baril sa Sulu

January 18, 2023 @ 6:45 AM 2 weeks ago


ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaki, kabilang ang isang wanted person, at nakuha mula sa kanila ang mga high-powered firearms at bomb-making component sa Indanan, Sulu, sinabi ng isang opisyal ng pulisya nitong Martes.

Sinabi ni Maj. Edwin Sapa, hepe ng pulisya ng Indanan, na si Sabtari Tarih Ullong, na may nakabinbing warrant of arrest para sa pagpatay at tangkang pagpatay, ay naaresto bandang 10:55 ng umaga noong Lunes sa Barangay Bato-Bato, Indanan.

Arestado rin ang dalawa pang kasamahan ni Ullong na kinilalang sina Saldy Tarih at Bakong Tarih Ullong.

Sinabi ni Sapa na nakuha ni Saldy ang isang load M16 rifle at tatlong sako ng ammonium nitrate, isang bomb-making component, habang nakuha naman ng mga pulis kay Bakong ang isang Garand rifle na may mga bala, at dalawang sako ng ammonium nitrate.

Nakakulong ang tatlo sa Indanan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga pormal na kaso laban sa kanila para sa illegal possession of firearms at bomb-making components.

Isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy kung may kaugnayan sila sa Abu Sayyaf Group sa Sulu, sabi ni Sapa. RNT